Hinarap ng mga guro ng Kagawaran ng Filipino ng UA&P ang hamon ng digital na panahon sa idinaos na Tertulya 3: Mga Danas, Teknik at Batayang Pamamamaraan sa Pag-aanyo ng Poster at Kagamitang Pampagtuturo na ginanap noong Nobyembre 13, 2024, sa CAS Lounge. Kabilang sa mga natutuhan ay ang paglikha at pagdisenyo ng mga digital na sertipiko, poster, at e-signature.
Pinangunahan ni G. Albert Lagrimas ang nasabing worksyap na nilahukan nina Dr. Moreal Camba, Dr. Leodivico Lacsamana, G. Louise Vincent Amante, G. Errol John Velasco, at Gng. Winnie Saul.
Tinatampok ng inisyatibo na ito ang patuloy na pagsusumikap ng Kagawaran ng Filipino na magsulong ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo na magagamit sa pagkatuto ng kanilang mga estudyante.
Ang Tagapanayam at mga lumahok sa Tertulya 3: (Mula kaliwa) G. Errol John Velasco, G. Louise Vincent Amante, Dr. Moreal Camba, G. Albert Lagrimas, Gng. Winnie Saul, at Dr. Leodivico Lacsamana.