Fri, 3 May, 2024
News and Events

Kasalin Network: Layag Forum sa Pagsasalin

 

Inaanyayahan ng UA&P Kagawaran ng Filipino ang lahat na lumahok at dumalo sa "Layag: Forum sa Pagsasalin" na magaganap sa Mayo 18 (Sabado) mula 8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h. sa paraang hyflex: onsite sa PLDT Hall at online naman gamit ang Zoom.
 
Layunin ng forum na talakayin ang (a) mga hakbang sa pagsusulong ng batas para propesyonalisasyon ng mga tagasaling Filipino at (b) pagbuo ng consortium ng mga tagasalin.

Inorganisa ito ng Kasálin Network na binubuo ng mga ahensya ng pamahalaan, institusyon, organisasyon, at indibidwal na layong itaguyod ang propesyonalisasyon ng gawaing pampagsasalin sa buong bansa.
 
Para sa detalye ng programa at rehistrasyon, i-click ito: https://bit.ly/4aNoCUZ.

Para sa iba pang impormasyon, mag-email sa [email protected].

 

Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines
(632) 8637-0912 to 26
Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines (632) 8637-0912 to 26