Tue, 23 Apr, 2024
News and Events

Buwan ng Panitikan x Buwan ng Kalikasan

 

Matagumpay na naidaos ng Kagawaran ng Filipino sa pakikipagtulungan ng Dentsu Creative Philippines ang proyektong Panitikan x  Kalikasan mula Abril 8 hanggang 19, 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan at Earth Month ngayong Abril.

Kaugnay nito, ipinapaabot ang pagbati sa mga mag-aaral na nagsipagwagi sa Patimpalak sa Pagsulat ng Sanaysay at Tula.

Patimpalak sa Pagsulat ng Sanaysay:

Unang Gantimpala:             Julienne Dumlao            "Isang Straw Lamang Ito"
Ikalawang Gantimpala:       Ralph Nikolai Manimbo  "Plastik - Alin, Sino, at Ano nga ba Talaga?"
Ikatlong Gantimpala:          Ella Veronica Francia      (Walang Pamagat)

Patimpalak sa Pagsulat sa Tula:

Unang Gantimpala:             Katerina Alexandra Torres   "Silweta ng Pawikan"
Ikalawang Gantimpala:       Melvin Jabez Canoza           "Bigas o Basura?"
Ikatlong Gantimpala:          Lilia Patris Santos                 "mga rosas na pula"

Lubos na nagpasasalamat ang kagawaran sa lahat ng mga dumalo noong Abril 19 sa panayam nina G. Rolando Royong II at G. Xavier Hodreal ng Dentsu Creative Philippines tungkol sa kampanyang "Trash Talk" at G. Louise Vincent Amante ng Kagawaran ng Filipino tungkol sa “Buwan ng Panitikan at Kalikasan”. Pasasalamat din kina Dr. Moreal Camba, Dr. Leodivico Lacsamana, G. Albert Lagrimas, G. Errol John Velasco, Gng. Regina Castillo, at Gng. Winnie Saul sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon upang maging matagumpay ang gawain.

 

Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines
(632) 8637-0912 to 26
Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines (632) 8637-0912 to 26