Panitikan x Kalikasan
Malugod na inaanyayahan ang lahat na makiisa ngayong Buwan ng Abril sa pagdaraos ng Panitikan X Kalikasan, isang joint project ng UA&P Kagawaran ng Filipino at ng Dentsu Creative Philippines sa pakikipagtulungan ng Greenpeace Philippines.
Mula Abril 8 hanggang 19, ipapaskil sa LED monitors at panel boards sa loob ng kampus ang iba’t ibang poster at eskultura ang Dentsu at Greenpeace ukol sa pag-iwas (at pagbawas) sa pagkonsumo ng plastik dahil sa idinudulot nitong masamang epekto sa kalikasan.
Kasabay nito, magsasagawa ng Patimpalak sa Pagsulat ng Sanaysay at Tula ang Kagawaran ng Filipino. Bukas ito sa lahat ng mga mag-aaral sa UA&P. Igagawad ang Sertipiko ng Pagkilala at (mga) premyo sa Abril 19.
Ang proyektong ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan at ng Earth Month. Pinamamahalaan ang gawain nina G. Biboy Royong, ang Executive Creative Director ng Dentsu Creative Philippines, at Dr. Moreal Camba ng Kagawaran ng Filipino ng UA&P.
Para sa iba pang detalye, maaaring buksan ang mga links sa ibaba.
Registration link at mechanics para sa Timpalak sa Pagsulat ng Tula
Registration link at mechanics para sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay