Dalawang Guro ng Departamento ng Filipino, Delegado sa Kumperensiya sa Pagsasalin ng KWF at UST-SSAS
Naging delegado ang dalawang guro ng Departamento ng Filipino sa kumperensiya sa pagsasalin na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pakikipagtulungan ng Unibersidad ng Santo Tomas - Sentro sa Salin at Araling Salin (UST-SSAS).
Sina Dr. Moreal N. Camba at G. Louise Vincent B. Amante ng Departamento ng Filipino ang naging delegado mula sa Unibersidad ng Asya at ng Pasipiko (UA&P) para sa naturang kumperensiya. Tema ng nasabing gawain ang “Mga Dalumat at Realidad ng Pagsasalin: Pambansang Kumperensiya ng mga Tagasalin sa Pilipinas”.
Tinalakay sa loob ng tatlong araw ang tungkol sa halaga ng propesyonalisasyon ng pagsasalin sa Pilipinas, ang ambag ng pagsasalin sa intelektuwalisasyon ng mga wika ng Pilipinas, at karapatan at kapakanan ng mga tagasalin. Binuod ni Dr. Camba ang mga tinalakay sa unang araw ng kumperensiya. Si G. Amante naman ang nagbuod sa ikatlong araw.
Ginanap ang naturang seminar mula 27 hanggang 29 Setyembre 2023 sa UST Hospital-St. John Paul II Building Audio Visual Rooms.
Sina G. Louise Vincent B. Amante at Dr. Moreal N. Camba sa kumperensiya sa pagsasalin ng KWF at UST-SSAS.