Fri, 6 Oct, 2023
News and Events

Dalawang guro ng CAS, PASADOng Best Presenters 

 

HInirang ang dalawang guro ng College of Arts and Sciences (CAS) bilang best presenters ng kanilang mga saliksik sa ika-20 Pambansang Seminar ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO).

Sina G. Louise Vincent B. Amante ng Departamento ng Filipino at Dr. Leodivico C. Lacsamana ng Humanities Program ay hinirang na best presenters sa naturang seminar. Paksa ni G. Amante ang tungkol sa araling adaptasyon ng Mondomanila na mga maikling kuwento, nobela, at screenplay ni Norman Wilwayco. Tinalakay naman ni Dr. Lacsamana ang iba pang mga pananaw sa pagbasa ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Tema ng nasabing seminar ang “Rebolusyong Industriyal 4.0: Eksplorasyon at Perspektiba sa Wika, Pelikula, at Panitikan”.  Bukod kina G. Amante at Dr. Lacsamana, may apat pang hinirang na best presenters ng kanilang mga saliksik na nakaugnay sa naturang tema. Ang direktor ng nasabing pambansang seminar ng PASADO ay si Dr. Moreal N. Camba, kasalukuyang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng CAS.

Ginanap mula Setyembre 22 hanggang 23 ang naturang seminar ng PASADO sa National Teachers College, 629 J. Nepomuceno Street, Quiapo, Manila. 

 

Si Dr. Leodivico Lacsamana (ikalawa sa harap, mulang kaliwa) at si G. Louise Vincent B. Amante (una sa likod, mulang kanan) at iba pang hinirang bilang best presenters sa ika-20 Pambansang Seminar ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO). (Retrato mula sa PASADO website.)

 

Si Dr. Leodivico Lacsamana ng Humanities Program. 
(Retrato mula sa PASADO website.)

 

Si G. Louise Vincent B. Amante ng Departamento ng Filipino.
(Retrato mula sa PASADO website.)

Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines
(632) 8637-0912 to 26
Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines (632) 8637-0912 to 26