Tue, 29 Aug, 2023
Seminar-Worksyap sa Pagsasalin
Ang UA&P Departamento ng Filipino at UST- Sentro sa Salin at Araling Salin ay magkaroon ng Seminar-Worksyap sa Pagsasalin sa ika-2 ng Setyembre 2023 (Sabado) mula 8:00 n.u. hanggang 12:00 n.t. sa Dining Halls 1 and 2. Layon ng gawain na talakayin ang mga konsiderasyon at hamon sa pagsasalin ng mga akdang pang-Humanidades.
Naimbitahan bilang mga tagapanayam at tagapamagitan sina Dr. Wennielyn F. Fajilan (tagapangulo ng UST-SSAS), G. John Dale V. Trogo, Gng. Elenita C. Mendoza, at G. Mark Anthony Angeles.