Fri, 28 Nov, 2025
News and Events

PAGSASALIN: Gawa ng Kagawaran ng Filipino itinampok sa FEU Book Talk

 

Itinampok sa Book Talk ng Far Eastern University (FEU) noong Nobyembre 25 ang aklat na "Ang Paglalakbay nina Horace, Longinus, at Plotinus Tungong Pilipinas: Pagsasalin ng mga Piling Tekstong Griyego" ng Kagawaran ng Filipino ng UA&P. Ginanap ang book talk sa FEU Multimedia Center bilang bahagi ng FEU Pahina Book Fair 2025.

Ibinida sa talakayan ang mahalagang gawa ng mga tagapagsalita at may-akda na sina Dr. Moreal Camba, Dr. Leodivico Lacsamana, G. Louise Vincent Amante, at G. John Errol Velasco.

Pangunahing sentro ng talakayan ang halaga ng pagsasalin ng mga klasikal na Griyegong akda sa paglalapit ng mga kaisipang ito sa kasalukuyang mambabasang Filipino. Partikular na pinag-usapan ang mga ideyang may kaugnayan sa sining ng pagsulat at paglikha, tungkulin ng manunulat, at mga pananaw hinggil sa kagandahan, kadakilaan, kahusayan, at karunungan.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Kagawaran sa mainit na pagtanggap at pakikiisa ng komunidad ng FEU.

 

(Mula kaliwa) G. John Errol Velasco, Dr. Moreal Camba, G. Louise Vincent Amante, at Dr. Leodivico Lacsamana sa FEU.

Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines
(632) 8637-0912 to 26
Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines (632) 8637-0912 to 26