Wed, 8 Oct, 2025
Lunsad aklat ng Kagawaran ng Filipino sa Oktubre 14
Ang Kagawaran ng Filipino ng College of Arts and Sciences ay malugod na nag-aanyaya sa lahat na dumalo sa lunsad aklat para sa Ang Paglalakbay nina Horace, Longinus, at Plotinus Tungong Filipinas: Pagsasalin ng mga Piling Tekstong Griyego na gaganapin sa ika-14 ng Oktubre 2025, mula 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Dizon Auditorium.
Pagkatapos ng pormal na paglulunsad, magkakaroon ng book selling sa Dizon Auditorium. Isa itong pagkakataon upang makilala ang mga may-akda, makapagpapirma ng kopya ng libro, marinig ang kanilang kuwento, at tuklasin ang diwa sa likod ng aklat.