Wed, 27 Aug, 2025
News and Events

Libro ng Kaguruan ng Filipino, mabibili sa Manila International Book Fair

 

Suportahan ang pagpapalaganap ng kaalaman sa pagsasalin sa pamamagitan ng aklat na Paglalakbay nina Horace, Longinus at Plotinus Tungong Filipinas: Pagsasalin ng mga Piling Tekstong Griyego, na mabibili sa Manila International Book Fair na gaganapin sa SMX Convention Center, Pasay City, mula Setyembre 10-14, 2025.

Ang nasabing libro ay obra ng Kaguruan ng Filipino mula sa UA&P College of Arts and Sciences na kinabibilangan nina Dr. Moreal Camba, G. Louise Vincent Amante, Dr. Leodivico Lacsamana, at G. John Errol Velasco. 

Inilathala ng UA&P at Grana Publishing, mabibili ang libro sa Booth 2-156, na matatagpuan sa booX that leave a mark sa ilalim ng The Indie Publishers Collab PH. 

 

Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines
(632) 8637-0912 to 26
Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines (632) 8637-0912 to 26