Mon, 10 Mar, 2025
News and Events

Imbitasyon sa UA&P Kathaan: Malikhaing Pagsulat

 

Inaanyayahan ang mga mag-aaral at empleyado ng UA&P na lumahok sa UA&P Kathaan: Punlaan 1 - Malikhaing Pagsulat na gaganapin sa Abril 23, 2025, sa Telengtan Hall ng UA&P mula 8:00 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon.

Ang proyektong ito ay kolaboratibong proyekto sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino kasama ang Humanities Program ng UA&P College of Arts and Sciences (CAS), Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), at ng Luntian Online Journal.

Layon ng gawain na magbigay ng isang araw na panayam at worksyap sa malikhaing pagsulat sa mga guro, mag-aaral, at iba pang interesadong matuto sa pagsulat ng maikling kuwento, flash fiction, at malikhaing sanaysay. Bukas ang gawain sa buong komunidad ng UA&P at ilang piling guro mula sa Barangay Pineda. Ang ilang piling akda ng mga kalahok ay maaaring mailathala sa Luntian, ang online journal ng PSLLF.

Para sumali, sagutan ang pormularyo sa pagpaparehistro sa makikitang link sa ibaba at mahigpit na sundin ang mga panuntunan kaugnay rito. Tatanggap lamang ng lahok bago sumapit ang Abril 1, 2025.

Magparehistro rito: UA&P Kathaan: Punlaan 1 - Malikhaing Pagsulat 

Para sa iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan at magpadala ng mensahe sa FB page ng CAS, i-scan ang QR code sa poster sa ibaba, at/o mag-email kay Gng. Winnie Saul ([email protected]).

 

Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines
(632) 8637-0912 to 26
Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines (632) 8637-0912 to 26