Thu, 28 Nov, 2024
News and Events

Tula ng guro mula CAS, shortlisted sa Santelmo Pambansang Hámon sa Pagtula 2024

 

Isa si G. Louise Vincent B. Amante ng Kagawaran ng Filipino ng College of Arts & Sciences (CAS) sa mga nagwagi noong Nobyembre 19 sa ikasiyam na araw ng paligsahan sa pagsulat ng tula na isinagawa ng San Anselmo Publications, Inc. at tinawag na Santelmo Pambansang Hámon sa Pagtula 2024.

Kalahok ang tula ni G. Amante na "Alamat ng Tatlong Bibe" sa ika-siyam na araw ng hámon na pinamagatang "Mary Grace Piattos" na tungkol sa dalawang mukha ng katotohanan at panlilinlang. 

Dahil sa pagkapanalo, shortlisted ang naturang akda sa pinal na kompetisyon na ginanap noong Nobyembre 22 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Pagtula 2024.

Bagaman at hindi kabilang sa mga pinal na nanalo, magiging bahagi ang tula ni G. Amante sa anthology ng patimpalak ngayong taon.

Mababasa ang mga shortlisted at mga nanalong tula sa Facebook page ng San Anselmo Publications.

 

Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines
(632) 8637-0912 to 26
Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines (632) 8637-0912 to 26