Wed, 2 Oct, 2024
News and Events

In-Service Training: Pagtuturo ng Filipino bilang Pangalawang Wika

 

Matagumpay na naidaos ng Kagawaran ng Filipino ang in-service training session tungkol sa Pagtuturo ng Filipino bilang Pangalawang Wika noong Setyembre 25, 2024. Naimbitahan bilang pangunahing tagapanayam si Dr. Niña Christina Lazaro-Zamora, ang Program Adviser at Cluster
Coordinator ng Graduate School ng Philippine Normal University. Si Dr. Lazaro-Zamora ay dati ring part-time na guro ng Kagawaran ng Filipino ng UA&P.

Layon ng gawain na magpalitang-kuro hinggil sa samu’t saring outcomes-based at student-centered na gawain. Bahagi ang in-service training upang mapagyaman ng mga guro ng Kagawaran ang kani-kanilang pedagohiya na magpapaunlad ng kanilang pagtuturo ng mga klase ng Filipino for Foreign Students (FFS) sa Junior College Program ng UA&P at Kolehiyo.

 

Si Dr. Niña Christina Lazaro-Zamora (pangalawa mula sa kaliwa) kasama ang kaniyang kabiyak na si Engr. Enrico Zamora (dulong kaliwa) at ang mga kinatawan ng Kagawaran ng Filipino na sina (mula dulong kanan) G. John Errol Velasco, G. Albert Lagrimas, Dr. Leodivico Lacsamana, G. Louise Vincent Amante, at ang tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino ng UA&P na si Dr. Moreal Camba.

Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines
(632) 8637-0912 to 26
Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines (632) 8637-0912 to 26