Thu, 4 Jul, 2024
News and Events

2 guro ng Kagawaran ng Filipino, napiling kalahok sa Ika-4 na Saling Panitik: Bienvenido Lumbera 

 

Nakabilang sina Dr. Moreal Camba at G. Louise Vincent Amante ng Kagawaran ng Filipino sa mga piling kalahok sa Ika-4 na Saling Panitik: Bienvenido Lumbera ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing.

Isinunod ang pangalan ng seminar kay Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera bilang pagkilala sa kaniyang hindi matatawarang kontribusyon sa mundo ng Wika, Panitikan, at Kulturang Filipino. Tema ngayong taon ang pagsasalin sa Filipino ng mga akda mula sa Wikang Aleman.

Gaganapin ang seminar mula Agosto 14 hanggang 16, 2024.