Tagumpay ang naging benchmarking activity ng UA&P Kagawaran ng Filipino at Unibersidad ng Pilipinas-Baguio (UP Baguio) Department of Language, Literature, and the Arts (DLLA) sa UP Baguio noong Hulyo 23, 2024.
Tinanggap nina Prop. Junley Lazaga at Prop. Joseph Andrew Carvajal ng UP Baguio DLLA at G. John Rey Aquino ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Baguio (SWF-UP Baguio) ang UA&P Kagawaran ng Filipino sa pangunguna ni Dr. Moreal N. Camba, tagapangulo ng Kagawaran.
Unang nagbahagi si Prop. Camba tungkol sa estado ng kursong Filipino sa antas kolehiyo ng UA&P at ang proyektong pagsasalin ng mga tekstong Griyego nina Horace, Longinus, at Plotinus na pinondohan ng Center for Research and Communication. Binanggit din niya ang intensyon na makabuo ng silabus para sa asignaturang pagsasalin.
Sumunod na nagbahagi sina Prop. Carvajal at Prop. Lazaga tungkol sa estado ng kursong Filipino sa UP Baguio. Ibinalita naman ni G. Aquino ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Baguio ang mga nakalinya nitong proyekto at aktibidad sa papasok na akademikong taon 2024-2025.
Nagkaroon ng malayang talakayan matapos ang bahaginan at napagpasyahang magkaroon ng mga kolaboratibong proyekto sa hinaharap.
Dumalaw din ang Kagawaran sa mga eksibit ng Darnay Demetillo Artist Award na nagtatampok sa mga likhang-sining ng mga mag-aaral ng UP Baguio at sa Museo Kordilyera.
Nagpapasalamat ang buong Kagawaran ng Filipino sa malugod at mainit na pagtanggap ng UPB-DLLA.#
(Simula sa kaliwa) Prop. Joseph Andrew Carvajal at Prop. Junley Lazaga ng UP Baguio-DLLA, G. Louise Vincent B. Amante, Prop. Moreal N. Camba, Ph.D., Prop. Leodivico Lacsamana, Ph.D., at G. John Errol Velasco ng UA&P Kagawaran ng Filipino), G. John Rey Dave Aquino ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Baguio, at Bb. Winnie Saul at G. Albert Lagrimas ng UA&P Kagawaran ng Filipino.